Tagalog Magsampa ng Reklamo Ang NIHR ay tumatanggap ng mga reklamo mula sa mga indibidwal , mula hanggang sa ikalawang antas na kamag-anak o isang awtorisadong legal na kinatawan: Kung ang isang tao o legal na entidad pati na rin sa mga organisasyon ng sibil na lipunan at iba pang may kakayahang awtoridad. Ang mga reklamo ay maaring matanggap mula sa mga bata na wala pang labing walong taong gulang, habang ang tagapag-alaga , kustodyan o legal na abogado ng bata ay aabisuhan. Upang maghain ng reklamo, maaring gamitin ang isa sa mga sumusunod na pamamaraan ng pagrereklamo: Ang paghaharap ng reklamo sa punong himpilan ng NIHR Ang taong nagsusumite ng isang reklamo sa personal ay tatanggapin sa NIHR HQ sa pagtitiwala at dadaluhan ng mga karampatang kawani. Filipino Paghaharap ng reklamo sa online Pagpupuno ng kinakailangang impormasyon sa elektronikong reklamong form na makukuha ito online(www.nihr.org.bh). Paghaharap ng reklamo sa pamamagitan ng email o fax Pagpupuno ng kinakailangan impormasyon sa form ng reklamo na makukuha sa website ng NIHR ( format ng pdf ) at ipadala ito sa pamamagitan ng fax (17111600) o email (complaint@nihr.org.bh). Pambansang Institusyon Para sa Karapatang Pantao Paghaharap ng reklamo sa pamamagitan ng mobile application (NIHR Bahrain) Kumpletuhin ang impormasyon sa aplikasyon at ilakip ang mga kinakailangang dokumento. Ang paghaharap ng reklamo sa mga sangay ng NIHR Ang mga manggagawang taga ibang bansa ay maaring magsumite ng isang reklamo sa sangay ng NIHR sa Expatriate Protection and Assistance Center sa National Committee upng labanan ang kalakalan ng tao ( Building 1553, Road 4153, Sehla 441) o anumang ibang sangay na itinalaga sa hinaharap. Paghaharap ng reklamo sa pamamagitan ng hotline Ang reklamo ay maaring matanggap sa pamamgitan ng telepono, kung sakaling hindi makadalo ang nagrereklamo o ang kanyang kinatwan, sa pamamagitan ng pagtawag sa walang bayad na numero(80001144) Kaharian ng Bahrain Mga dokumento lamang info@nihr.org.bh www.nihr.org.bh

Select target paragraph3