Gineline, 31 Ako si Gineline, tatlo ang anak, solo parent. Malaki ang epekto ng Covid-19 lalo na at nandito kami sa loob ng piitan. Pamilya ang masasandalan pero dahil sa pandemya, mas lalo pang hindi makikita ang aming pamilya at mga anak. Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa mga taong hindi kami pinapabayaan, ang mga BJMP personnel. Sa araw-araw: 5:30 am ang wake-up call, personal time/prayer time, headcount, activity, headcount, rest time, activity, prayer time, activity, personal time, headcount, prayer time, headcount, sleep time. Sa kasalukuyan, kami po ay pansamantalang pinagkaitan ng kalayaan; gayunpaman, masaya ako kasi marami akong natututunan at ang mahalaga ay natuto ako sa pagkakamali ko. 74

اختر الفقرة المستهدفة3