Ge-ann, 22
Ako si Ge-ann, from Cebu City, isang political prisoner. Nang mag-lockdown
dahil sa Covid-19, ipinagbawal ang pagdalaw ng pamilya at iba pang kaanak
nang ilang linggo at buwan. Ang hirap ng sitwasyon namin sa kulungan dahil
nga walang dalaw. Nami-miss ko ang pamilya ko, nag-aalala kung ano na
ang nangyari sa kanila at baka magkasakit sila. Nag-aalala din ako dahil nastranded ang mama ko dito sa Manila, hindi agad siya nakauwi sa province.
Nakakuha naman ang pamilya ko ng tulong na pera galing sa gobyerno kaso
hindi pa rin ito kasya, sa dami ba naman nila sa bahay namin. Dito naman
sa kulungan, may natatanggap kaming napkin, toothpaste, toothbrush,
shampoo, sabon at iba pa na galing sa mga service provider. Nalalagpasan
ko ang buryong at pagka-miss sa pamilya sa pamamagitan ng pagsali sa
sayaw kapag may activity sa jail, panonood ng TV, at paggawa minsan ng
beads, at sa araw-araw na gawain dito sa jail.
Sa araw-araw: After ng wake-up call, pumapanhik kami sa rooftop para
mag-Zumba. Naliligo na kami at naghihintay ng bilangan. Natutulog
kami at minsan ay nanonood ng TV. Mag-e-exercise kami ng Zumba sa
loob ng selda. Naghihintay ulit ng bilangan at pagkatapos ay naliligo na.
Magpapahinga, maghihintay ng pagkain. Matapos ang salah (prayers) ng
Muslim, pipila na kami ng pagkain. Matutulog kami sa tanghalian, maglilinis
ng selda, at maghahanda na mag-Zumba. Bilangan ulit, at matutulog na.
62