Anjo, 33
Ako si Anjo, may asawa. Nandito ako ngayon sa MCJ-FD. Ang mga
naranasan ko dito ay kakaiba. May mga oras na nakakapanghina ng pisikal
at mental na pangangatawan. Pero sa tulong ng mga empleyado ng BJMP,
natutugunan nila ang aming mga pangangailangan, lalo na noong sinabi
na wala na munang dalaw. Pero nakakalungkot na nangyayari sa amin
ito. Nakaka-torture emotionally dahil nararamdaman ko nang literal ang
salitang pangungulungan. Pero hindi ako nagpapadaig sa sitwasyon, bagkus
ginagamit ko itong paraan para mas mapalapit sa Panginoong Diyos. Kahit
ganito ang aming pinagdaraanan, nararamdaman ko ang presensiya ng
Diyos sa buhay ko na nagiging dahilan para ako ay maging mas matatag at
makapagbahagi din sa aking mga kasama.
Oras pa po ng aming pagtulog, kahimbingan pa lang ng aming pagtulog,
naghahanda na kami para sa unang bilang sa brigada. Wake-up call sa
buong jail, morning exercise, fall-in at bilangan na. Pagkatapos, magaalmusal na, simula na ng TC sa buong jail (per dorm) or morning meeting.
Babalik saglit sa pagtulog, magla-lunch, then puwesto na for second
counting. After counting, inaayos ang mga dapat ayusin, tamang nood ng TV
at paghihintay ng slot para sa tawag ng pamilya. Magbabasa muna ng Bible
for my daily routine, basa ulit ng other books. Sa e-dalaw ay nakakausap ko
ang family ko, na nakakapagpagaan sa loob ko. Makikipagkwentuhan ako
sa mga kalapit na ka-dorm. Kung mga may sense silang kausap, sharing
kami ng thoughts and dreams. Dinner time, fall-in ulit, watching TV, mga
teleserye. Maliligo at maglalaba, puwesto na ulit for the last fall-in of the
day. Magbabasa ng Bible and other books, mga books na makakatulong sa
akin for positive thinking. Mananalangin na bago matulog.
58