Love, 47
Ako si Love, taga-Manila, dalawa ang anak, solo parent. Hindi naging madali
para sa aming mga PDL ang pagkakaroon ng pandemic situation. Siyempre,
nagkaroon ng maraming limitasyon, lalo na sa parte ng pagdalaw ng aming
pamilya dito sa MCJ-FD, para ibigay ang aming pangangailangan. Ngunit
sa kabila naman ng krisis na aming pinagdadaanan, masuwerte pa rin
kaming mga PDL dahil meron pa ring mangilan-ngilang BJMP personnel
na hindi kami pinabayaan at walang sawang nag-aasikaso para sa aming
mga pangunahing pangangailangan. Higit sa lahat, ang pag-aalaga at
pagpoprotekta sa amin ng aming jail warden.
Sa araw-araw, nasa bed lang ako, nag-iisip tungkol sa kaso, at sa family
ko. Naghahanda para sa mga gagamitin sa panibagong araw, nagdadasal,
inaayos ang pinaghigaan, naghahanda na para sa unang headcount ng araw.
Nag-aalmusal, inaayos ang sarili para sa TC, nagse-share ng concerns sa
kapwa ko PDL during TC. Pumipila para sa water distribution, na gagamitin
naming pampaligo for the day. Usually nasa bed lang, nakikipagkwentuhan
sa mga ka-bedmate ko. Sa hapon ang oras o simula ng panonood namin
ng TV. Pagkatapos, maghahanda na ulit para sa pangalawang headcount,
oras ng pagligo, siesta time, magpapahinga o iidlip. Magdadasal ng three
o’clock prayer, maghahanda ulit para sa food distribution for dinner. Magrorosary kami or novena, stay sa bed, maghihintay para sa third headcount.
Manonood ng balita sa TV, kakain ng hapunan, maglilinis ng katawan.
Pagkatapos, sabay-sabay kami ng mga ka-bedmate ko na iinom ng coffee.
Hihiga lang habang nanonood pa rin, magbibitin na ng uniform, aayusin ang
sarili para sa last fall-in or headcount. Lights off, oras na ng pagpapahinga
o tulog namin. ’Pag hindi pa po ako makatulog, magro-rosary ako o
magdadasal.
Wala naman po akong ibang iniisip pa. Nandito ako dahil may mga
pagkakamali talaga akong nagawa noong nasa laya pa ako. Ang hinihiling ko
lang ay lawakan pa sana ng mga BJMP personnel ang kanilang pang-unawa
para sa aming mga PDL, since sila na lang ang maari naming lapitan kung
meron man kaming iba pang problemang kinakaharap.
60