Gloria, 38 Ako si Gloria, anim ang anak, may asawa. Bilang isang ina, asawa, kapatid at anak, itong panahon ng pandemyang ito ang masasabi kong pinakamahirap sa akin, lalo na sa aming mga nakakulong. Kinulong na nga kami sa maling paraan. Hinuli kaming mag-asawa nang walang kaabugabog at naiwan namin ang maliliit na anak. Tinaniman kami ng tinatawag na shabu. Sobra nang bagal ng hustisya dito sa ating bansa na lalo pang bumagal sa Covid-19 crisis. Ang dalaw ang pinaka-importante sa aming mga nakakulong para makasama namin ang aming mga anak. Nagtitiis kami sa rancho (food ration) sa loob ng siyam ng buwan na lockdown. Sobrang nami-miss ko ang mga anak ko, lalo na ang asawa ko na di pa namin nakasama nang matagal dahil kararating lang niya galing sa ibang bansa (Bahrain) bilang OFW. Isa kaming masayang pamilya noon, namumuhay nang normal at simple. Pero nakulong, at ang pinamasakit, namatayan ng anak na wala man lang kami nagawa. Sa ngayon, wala pa ring dalaw o komunikasyon sa asawa’t mga anak ko. Kulang ang limang minuto ng e-tawag na binigay ng jail para sa aming mga nakakulong. Sa dami namin dito, maingay, magulo at minsan may di pagkakaunawaan. Iniisip ko bilang isang ina ang maliit kong anak na walang ina o ama man lamang na nag-aaruga. Sana man lang, sa darating na bagong taon (2021), bumilis ang proseso ng kaso namin – di lang kaming mag-asawa, kundi lahat kami dito. Lahat ng kasama ko dito ay nangungulila na sa aming mga anak at asawa. Sana marinig ng mga hukom, piskal at mga abogado ang daing naming mga PDL lalo na sa mga tulad namin o marami sa aming tinaniman lamang ng ebidensiya. Buhay ang nasira at nawala sa amin. Sana maging patas ang pagbibigay ng ayuda sa pamilya namin, lalo na ang mga batang walang pinagkukunan ng pagkain. Lahat ng anak ko ay menorde-edad. Isa sa iniisip ko sa bawat oras ay kung kumakain ba sila. Laging dalangin ko sa Panginoon na huwag silang pabayaan. Sa araw-araw: Nakahiga, babangon, maliligo, maglalaba, magbabasa, magkakape, magbibilangan (headcount), start ng TC, uupo, mag-iisip, hihiga, kakain ng tanghalian, pipila sa paghuhugas, matutulog (pero mas lamang ang pag-iisip), maglilinis ng tarima, maliligo uli, maglalaba, 54

اختر الفقرة المستهدفة3