Joy, 29
Ako si Joy, pito ang anak, solo parent. Simula nang magka-Covid, nawalan
po kami ng dalaw, wala din pong hearing. At nakakatanggap din naman
po kami ng mga biyaya, mula sa mga service provider sa tulong ng BJMP
na nangangalaga sa amin dito sa loob. Sana maibigay na ng gobyerno ang
aking minimithing kalayaan. Sa tulong ng pagdarasal at pagkapit sa Itaas,
pilit pa rin kaming nagpapakatatag sa kabila ng mga pinagdadaanan naming
pagsubok.
Sa araw-araw: Bed time, linis-selda, wake-up call, headcount/bilangan, TC
morning meeting, watching TV, lunch time, siesta, gumagawa ng gawain sa
selda, headcount/bilangan, rosary, dinner, headcount/bilangan, watching TV,
naliligo, bed time.
51