31 Republika ng Pilipinas Komisyon ng Karapatang Pantao ng Pilipinas (Commission on Human Rights of the Philippines) PAUNANG SALITA Sa pagdaan ng isang natural na kalamidad, ang hindi pagkakapantay-pantay ay mas nangibabaw kung kayat ang mga nasa batayang sektor ng lipunan ay mas malaki ang panganib na mawalan ng tirahan at pangkabuhayan. Ang experiensya ang nagbigay ng importansya upang magkaroonng isang kaiga-igayang pagsisikap mula sa isang pananaw ng maka-karapatang pantao upang mapagpasiyahan at maging huwaran ang laban sa mga umiiral na anyo ng kahinaan at kakulangan na noon pa ay nararapat na sanangipinatupad. Ang konteksto kung saan ang ugnayan ng mga internasyunal na bansa upang tumulongsaPilipinas ay isa lamang sa mga kadahilanan na dulot ng Bagyong Yolanda ay hindi dapat maging bukodtangi. Naniniwala kami na dapat gawing oportunidad ng Pilipinas ang ganitong pagkakataon upang mabigyang pansin at epektibong solusyon, at sa lalong madaling panahon upang mapigilan muli ang paglaganap ng ganitong sitwasyon at makatulong ang paglalapat ng mga internasyonal na pamantayan at kaugalian. Ang komprehensibong pagbibigay ng karapatan sa pabahay upang makabangon muli ay isa lamang na oportunidad. Subalit ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad ay hindi maaari — at hindi nararapat -na gawing daan upang palitan ang mga dapat na tustusin sa pagpapa-unlad, magbigay ng bagong anyosa hindi pagkakapantay-pantay dulot ng natural na kalamidad o ang mga gawanaipinakita nito, at ang ambag nito upang maisa-isip ang pagbibigay ng pabahay, bagkos ito ay dapat na kasama sa patuloy na pagpapaunlad at isang karapatan ng bawat Mamamayan na magkaroon ng isang maayos na pamumuhay at seguridad. Sa diwa ng pabahay,lupain at mga ari-arian ito ay nabuo upang gabayan ang iba pang Sangay ng gubyerno, lokal na pamahalaan, mga apektadong komunidad, at ibat ibang mga sangay ng lipunan upang magkaroon ng isang pamamaraang nakabase

Выберите целевой абзац3