Maaaring kumonsulta sa, Public Attorney's Office (PAO), Integrated Bar of the
Philippines (IBP), Commission on Human Rights (CHR), o mga women's NGOs.
Gusto kong ipakulong
ang maysala.
Pumunta sa PNP Women's Desk kung saan nangyari
ang krimen at magbigay ng salaysay. Maaaring
ikaw ay hingan ng medico legal certificate.
Gusto kong matanggal
sa trabaho ang salarin.
Ipaalam ang reklamo sa kaniyang
pinagtratrabahuan (publiko man o pribado), o
sa Professional Regulation Commission (PRC)
kung siya ay isang propesyonal.
Gusto ko ng ligtas na lugar na
matutuluyan, o mabigyan ng payo
ukol sa kabuhayan, o makatanggap ng
psychosocial counselling.
Kung biktima ng online
sexual harassment:
Gusto kong matigil at
matanggal ang mga post na
nakababastos sa internet.
Kung biktima ng VAWC:
Gusto kong hindi na maulit ang
pambubugbog at gusto kong
malayo sa akin / sa amin ng
aking anak ang salarin.
Pumunta sa Municipal or City
Social Welfare and Development
Office (MSWDO/CSWDO) o sa
barangay, kung may VAW shelter.
I-screen capture ang mga ebidensya
at magreklamo sa National Bureau of
Investigation (NBI) Cybercrime Unit o sa
Philippine National Police (PNP) Cybercrime
Unit. Maaari ring i-report sa onlie platform
mismo ang pangyayari.
Pumunta sa¹:
↗ Barangay para sa B/PO (15 days)
↗ Korte para sa T/PO (30 days)
↗ Korte para sa P/PO
¹ Mayroong tatlong klase ng protection order para sa mga biktima ng VAWC. Ang Barangay
Protection Order (B/PO) binibigay ng Punong Barangay matapos mag-report sa Barangay VAW
Desk. Ang Temporary o Permanent Protection Order (T/PPO) naman ay makukuha sa family court
kung saan kasalukuyang nakatira ang babae. Kung walang family court, ang protection order ay
maaaring i-file sa regional trial court, metropolitan trial court, municipal trial court, municipal 17
circuit trial court kung saan nakatira ang babae. Ang B/PO ay hindi kinakailangan para makapag-file
para sa protection order sa korte.