Virginia, 69 Ako si Virginia o Bebot, mula sa Novaliches, tatlo ang anak, may asawa. Malaki ang epekto ng Covid-19 sa akin. Una, dalawa ang naging biktima nito – isa sa anak ko ang nagka-Covid, kasama ang asawa niya. Pangalawa, hindi ko na nakita ang mga anak at apo ko dahil bawal dito sa jail namin. Pangatlo, walang ayudang natanggap galing sa gobyerno. Pang-apat, biktima ako ng karahasan ng mga raiding team na NCRPO-P504, Philippine Army Intelligence Regiment, AFP JTF-NCR, AFP JSOG, AFP SOCOM, at PNPSAF. Ni-raid nila ang bahay namin noong September 8, 2018. Pinasok kami at tinutukan ng baril, kaming mag-asawa at isa pa naming kasamahan sa bahay. Tinaniman kami ng super daming mga armas, may bayoneta pa, panahon pa ng Hapon ang armas na iyon, at apat na granadang bilog na noon ko lang nakita. Nagka-trauma ako at hanggang ngayon ay hirap akong makatulog kung walang gamot, at nagka-fracture ako sa left knee. Sa araw-araw: Bilangan sa bawat dorm, gantsilyo, nagkakape, bilangan sa bawat dorm, morning meeting sa TC, TV viewing, gantsilyo, tanghalian, gantsilyo, tulugan sa hapon (siesta time), gantsilyo pa rin, bilangan ulit bawat dorm, nagdadasal, kumakain, nagpapahinga, tulog na. 71

Select target paragraph3