Cora, 38
Ako si Cora, taga-Maynila, dalawa ang anak, may asawa.
5:30 am ang wake-up call, magzu-Zumba per schedule ng dorm. May
nakatalagang cleaners para maglinis ng brigada. Minsan, nagzu-Zumba
ako kapag nasa mood. Nagpapa-volunteer ako sa paglilinis. Binibigyan ko
na lamang sila ng bayad sa volunteer. Unang fall-in, bilangan (attendance
checking), pagkatapos nito ay bigayan na ng rancho (food distribution).
Usually ang almusal ay champorado, plain lugaw, at sopas sa araw-araw.
Isa hanggang dalawang sandok ang bigayan. Kumukuha ako ng almusal,
pagkatapos ay oras na ng paligo ko. Itinataon ko na maligo ng umaga para
kaunti lang ang tao. Iyung iba ay natutulog ulit, nagsasagawa ng isang oras
na TC, may concept at verse of the day. Sharing of thoughts and reflections,
nagpapahinga ulit. Minsan nagbabasa, ang iba nagbabalagbag (ito ang
mga nakapwesto sa sahig o ang mga walang bed ay pumipila para kumuha
ng tubig na panligo). Meron akong tagakuha ng tubig. Binubuksan ang TV
para sa oras ng panonood. At 10:30 am, bigayan na ulit ng rancho pangtanghalian, oras ng pagkain ng tanghalian. Bigayan ng tubig inumin (one
liter). Fall-in ulit. Pagkatapos nito ay siesta time o personal time. Nanonood
ng TV, natutulog ako ng mga 30 minutes to one hour. Bigayan ulit ng rancho
para sa gabi, bigayan ulit ng inumin. Pagkatapos nito ay nagzu-Zumba ang
dorm o nakikinig ng tugtog, nagdadasal ng novena at rosary ang buong
dorm namin, tapos ay fall-in. Kumakain na ako ng dinner, kasama ang
mga kasalo ko. Nanonood ng balita, personal time, nakikipagkwentuhan.
Last fall-in, tapos ay oras na ng tulog. May gising na mahinarya. Sila ang
nagbabantay tuwing 11 pm to 2 am at 2 am to 5 am.
Sa usapin ng gender and sensitivity, isang factor ang maliit na espasyo ng
dorm. Noong simula ng lockdown ay umabot kami ng 120 katao sa isang
kuwarto. Bawal munang lumabas. Kaya buong maghapon nasa dorm lang
ang ikot ng oras namin. Summer season iyon kaya sobrang init. Sunodsunod ang pagkakasakit at lagnat. Nagkaroon ng bungang araw ang
marami, nagkaroon ng kakulangan sa tubig. Apat na tabo ang bigayan para
sa pampaligo at paglalaba. Ang iba ay nagkakasakit ng UTI (urinary track
infection). Krisis din ang pagbili ng toiletries. Kanya-kanyang diskarte na lang
ng sabon at napkin. Although may mga service provider na nagbibigay, pero
limited. Ang isang challenge din ay kung paano mawala ang init ng ulo at
buryong dahil limited din ang productivity ng mga kababaihan.
70