Lilia, 74 Ako si Lilia, tubong Catbalogan, Samar, biyuda. Ako ay wala nang trabaho dahil nakakulong at nasa 74 years old na ako. Ang naramdaman sa Covid-19 ay ang dulot nito na grabeng krisis. Lalong dumami ang nawalan ng trabaho, mga negosyo na nagsara dahil sa lockdown, ECQ. Mas dumami ang nagutom. Ang inaasahan ko, ang gobyerno ay magbibigay ng sapat na tulong na hindi lang sa pangmadalian, kundi hanggang makabangon o makabalik sa dating kalagayan ang ekonomiya. Sa araw-araw: Babangon para magdasal, babalik sa pagtulog, gigising at magliligpit ng higaan, mag-e-exercise, kakain, maliligo, magbabantay ng paninda ni Marilyn, mananahi habang nagbabantay ng paninda, minsan magbabasa ng Bible, magro-rosary o prayer time from Monday to Saturday, kakain ng tanghalian, siesta time, magtatahi, prayer time, maliligo, kukuha ng pang-hapunan, kakain ng hapunan, manonood ng balita minsan, matutulog na pero minsan ay di makatulog kaagad. Minsan, mahimbing ang tulog; minsan, hindi. Simula nang makulong ako ay nakaramdam na ako ng stress, nabuburyong o nagsasawa sa araw-araw na lang na gawa, lalong lalo na noong pandemic na laging naka-padlock ang dorm namin at bawal lumabas-labas. Walang dalaw galing sa mga kapamilya, nawala ang phone call nang mga dalawang linggo. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa mga kapatid ko sa probinsiya sa panahon ng pandemic. Mas lalo akong na-i-stress kapag wala na akong pera para sa aking mga pangangailangan sa araw-araw tulad ng kape, toiletries. Wala akong pambili ng gamot sa rayuma ko na efficascent oil. 66

Select target paragraph3