Nona, 61
Ako si Nona, may asawang nakakulong din. Mula nang magkaroon ng
pandemya, may ilan ding hakbang na ginawa ang TCJ-FD personnel/admin
para maibsan ang epekto nito. Sa mga ayudang dumarating, madalas na
prayoridad ang senior citizens na PDL kaya nauuna kaming makatanggap
(with photo-ops, siyempre). Pero ang malaking impact talaga ay mula
sa lockdown na nagresulta sa kawalan ng dalaw. Nakakausap naman
namin ang mga kamag-anak at kaibigan sa telepono at sa Facebook, pero
napakalimitado ng panahon (tig-limang minuto lamang). Nare-reduce na
lang ang usapan sa transaction tungkol sa perang padala (Naihulog na
ba? Magkano? etc.). Nawawalan o nababawasan ng warmth ang ugnayan.
Halos wala nang lugar ang totoong kumustahan. Isa pa, nakikita ko dati
tuwing may hearing ang asawa kong nakakulong sa ibang jail. Ngayong wala
pa ring hearing (kahit online) ang QC RTC, hindi ko na siya nakikita. Huli
naming pagkikita ay noong February pa, bale sampung buwan na ngayon.
Nag-aalala ako sa kanyang kalusugan dahil tulad ko ay diabetic din siya, at
malapit nang mag-sixty-nine years old. One year and five months na kaming
nakakulong dahil sa gawa-gawang kaso.
Marami akong free time kaya nililibang ko ang sarili ko sa pamamagitan
ng pagbabasa, panonood ng magagandang palabas sa TV o kung minsan
ay may downloaded na mga pelikula o TV series. Kapag hindi ko type
ang palabas ay tinutulugan ko na lang ito o pilit na nagbabasa sa gitna ng
ingay. May ilan ding matitinong babasahin sa maliit na library ng TCJ-FD,
pero sa palagay ko, mauubos ko ang mga libro dito nang hindi pa rin kami
nakakalaya. Minsan naman, nagkakaroon kami ng ilang limitadong political
discussion ng mga kapwa ko political detainees tungkol sa current events
o kahit sa napapanood naming mga pelikula o TV series, pero mainly
kwentuhan lang ito, walang pormalidad.
Ano ang hiling ko sa gobyerno? Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal
dahil hindi makatarungan ang aming pagkakakulong. Suntok sa buwan
ito at nangangailangan ng malalaking pagbabago sa political climate ng
bansa. Mas praktikal na hiling? Pagyamanin ang selections sa TCJ-FD library
at ibuwelo ang pagpapa-download ng mahuhusay na palabas. Ayaw kong
maging casualty din ng Covid-19 ang utak ko at writing skills. Marami akong
kino-compose sa isip ko na potential na maisusulat kapag nakakapagbasa
ako at nakakapanood ng palabas o may mga nakakakwentuhang ibang
64