Ge-ann, 22 Ako si Ge-ann, from Cebu City, isang political prisoner. Nang mag-lockdown dahil sa Covid-19, ipinagbawal ang pagdalaw ng pamilya at iba pang kaanak nang ilang linggo at buwan. Ang hirap ng sitwasyon namin sa kulungan dahil nga walang dalaw. Nami-miss ko ang pamilya ko, nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanila at baka magkasakit sila. Nag-aalala din ako dahil nastranded ang mama ko dito sa Manila, hindi agad siya nakauwi sa province. Nakakuha naman ang pamilya ko ng tulong na pera galing sa gobyerno kaso hindi pa rin ito kasya, sa dami ba naman nila sa bahay namin. Dito naman sa kulungan, may natatanggap kaming napkin, toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon at iba pa na galing sa mga service provider. Nalalagpasan ko ang buryong at pagka-miss sa pamilya sa pamamagitan ng pagsali sa sayaw kapag may activity sa jail, panonood ng TV, at paggawa minsan ng beads, at sa araw-araw na gawain dito sa jail. Sa araw-araw: After ng wake-up call, pumapanhik kami sa rooftop para mag-Zumba. Naliligo na kami at naghihintay ng bilangan. Natutulog kami at minsan ay nanonood ng TV. Mag-e-exercise kami ng Zumba sa loob ng selda. Naghihintay ulit ng bilangan at pagkatapos ay naliligo na. Magpapahinga, maghihintay ng pagkain. Matapos ang salah (prayers) ng Muslim, pipila na kami ng pagkain. Matutulog kami sa tanghalian, maglilinis ng selda, at maghahanda na mag-Zumba. Bilangan ulit, at matutulog na. 62

Select target paragraph3