Cindy, 20
Ako po si Chin-Chin, taga-Paco, Manila. May isa akong anak, may asawa.
Simula nang magkaroon ng pandemya sa iba’t ibang bahagi ng bansa, para
bang tumigil ang mundo ng bawat isa. Maraming naapektuhan dahil sa
sakit na dulot nito. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pagkakaroon
ng tinatawag na ECQ kaya sumailalim sa lockdown ang bawat bansa upang
maiwasan ang paglaganap ng sakit na Covid-19.
Base sa karanasan ko, mahirap na hindi ko mabantayan ang pamilya ko at
anak ko. Wala man lang akong magawa para tulungan sila. Pero sa tulong na
din ng mga personnel, nagagawa naming makausap ang pamilya namin.
Tuwing madaling-araw, habang tulog pa ang lahat, may dalawang mahinarya
(night watch) upang bantayan ang mga nangyayari sa oras na iyon. Ang
mga mahinarya ay nagro-roving. Sa oras ng paggising, magsisimula
kaming linisin ang brigada. Pagkatapos ay mag-eehersisyo. Oras ng fall-in
para sa bilangan, oras ng bigayan ng food ration at inumin. Kasunod nu’n
ay bigayan naman ng tubig na panligo. Oras ng pre-moving meeting at
morning meeting. Pagkatapos ng morning meeting, kami ay magsisimulang
pumila, magbibigayan ng tubig na inumin, kasunod ay food ration para sa
tanghalian. Pagkatapos, ready to fall-in ulit para sa bilangan. Papayagan
kaming manood ng TV. Matutulog ang mga PDL sa oras ng siesta, hanggang
3 pm. Magbibigayan ulit ng tubig na inumin at food ration para sa hapunan.
Maglilinis ng brigada, pupuwesto para sa dasal ng Katoliko. Ready to fallin ulit para sa susunod na duty, kami ay manonood ng palabas sa TV na
inaabangan ng mga PDL. Magsisimulang maglinis ulit ng brigada. Fall-in na
para sa last roving ng naka-duty. Pagkatapos, matutulog na ang mga tao,
pero ang iba naman ay di makatulog.
59