Arlene, 31
Ako si Arlene, single. Apektado po ako ng Covid-19 dahil simula pa noong
March 2020 ay naka-lockdown na ang jail namin hanggang ngayon. Natigil
ang lahat ng pasok ng dalaw at padala para sa mga bilanggo. At noong
nagkaroon ng paabot at padala at tawag ay limitado lang din po. Nahinto
din ang mga hearing sa korte na lalong nagpatagal sa akin dito. May mga
ayudang “biyaya” kung tawagin dito na dumating ngunit mas priority ang
mga senior citizens at ang mga wala talagang mga dalaw at padala, kaya
minsan nakakatanggap, minsan hindi. Inaasahan ko sa gobyerno na kahit
may pandemya ay tuloy-tuloy pa rin dapat ang mga online hearing sa courts
at palayain na po ang political prisoners. Maglaan ng sapat na pondo para
sa kalusugan at gawing libre ang mass testing (swab).
Nililibang ko po ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro sa
library, pagsali sa sports activities dito, minsang panonood ng TV at pelikula,
at pagsali sa mga seminar na ibinibigay ng BJMP personnel.
Every day schedule: Sleep time, wake-up call, dorm chores, headcount,
TC morning meeting, reading/TV viewing, lunch, siesta, sports activities
(Tuesdays-Thursdays), Zumba, headcount, rosary, supper, headcount, TV
viewing, sleep time, bathing.
49