Gwendalyn, 45 Ako si Gwendalyn, taga-Bagong Silang, Caloocan, may tatlong anak, isang biyuda. Sobrang naapektuhan ako sa pandemya. Nahirapan akong makita ang pamilya ko dahil sa walang dalaw. Sobrang nananabik na akong makita ang mga anak ko. Kaya lang, hindi ko rin sila makontak. Sa araw-araw: Tulog, wake-up call, naglilinis, nag-aagahan, bilangan (headcount), TC meeting, naghuhugas ng plato, kumukuha ng pagkain, kumakain ng tanghalian, nagbibilangan, natutulog, naglilinis, bilangan, rosary, kumukuha ng pagkain, kumakain, nanonood ng TV, natutulog. Bilang PDL, napakahirap po sa akin ng ganitong sitwasyon. Unang-una, labis po akong nangungulila sa aking pamilya, higit sa lahat sa aking mga anak. Lagi akong nananalangin at umaasa na bibigyan pa ako ng isang pagkakataon na lumaya upang makapiling ang aking mga anak. 48

Select target paragraph3