MAKA-KARAPATANG PANTAONG PAMANTAYAN Ed
jnternasyonal na Pamantayanpara sa Karapatang Pantao
9,
Ang pangunahing prinsipyo ng karapatang pantao ay ang pag-tingin ng walang-
diskriminasyon, Anuman ang pagkakaiba, pagbubukod, paghihigpit o kagustuhan
sa anumang uri nito na may layunin upang mapawalang-bisa o pahinain ang
pagkilala, pakikinabang o paggamit, pagkakapantay-pantay, para sa pabahay, ay
dapat na iwasan. **
10.
Ayon sa mga Internasyonal na Pamantayan para sa Karapatang Pantao, ang mga
taong napilitang lumikas, kabilang ang mga Jumikas dahilan sa mga natural na
sakuna,”> ay may karapatan na magkamit ng kasiyahan para sa tamang pamantayan
ng buhay, kasama rito ang pagkakaroon ng pangunahing pagkain, malinis na tubig
inumin, pangunahing kanlungan at pabahay, naaangkopna damit, ang mahahalagang
serbisyong medikal at sanitasyon.”° Itong mga pamantayan na ito ay dapat makamtan
ng lahat ng apektado ng walang diskriminasyon.”’
11.
Kung totoo ang pag-responde sa mga nasalanta ng Bayong Yolanda dapat
isinasaalang-alang ng mga awtoridad ng pamahalaan at bigyan ng espesyal na
pansin ang mga nasa mababangestado at mga batayang sektor kabilang dito ang
mga babae, menor de edad na walang ng kumakalinga, mga magiging ina, mga
ina na may mga anak, mag-anak na nawalan ng ulo ng pamilya dahil nasaktan o
namatay, mga taong may mga kapansanan, at mga matatanda upang mabigyan
ang mga ito ng tamang kalinga at proteksyon na kinakailangan dahil sa kanilang
mahinang kondisyon.”* Kabilang ang mga minoryaat katutubong mamamayan na
dapat mabigyan ng espesyal na pansin sa panahon ng anumang konsultasyon ukol
sa mga alternatibong pabahayat pagbibigay tulong.””
12.
Isinasaalang-alang ng Komisyon na ang mga pamantayangito ay nangangailangan
rin ng tulong mula sa Pamahalaan upang makatiyak na ang anumang tulong
na ibinigay bilang pagtugon sa Bayong Yolanda ay batay sa pangunahing mga
pangangailangan. Ang Komisyonrin ay nagsusulong sa lahat ng lokal na yunit ng
pamahalaan at mga ahensya ng pambansang pamahalaan upang unahin ang mga
indibidwal at mga pamilya na pinaka-nangangailangan ng tulong sa paghahatid ng
mga panukala, kabilang ang pansamantalang kanlunganat pagpapatira.
Batas sa Pilipinas na Walang-Pagtangi lalo na sa Pagtugon sa Kalamidad
13.
Ang mga Alituntunin na sumasaklaw tungkol sa Tulong Pabahay (Omnibus
Guidelines on Shelter Assistance) ay dapat magbigyan ng mataas na prayoridad
24 Principle 4, UN Guiding Principles on Internal Displacement. See also, for example: Articly 1.1, International
Covenanton the Elimination of All Forms of Racial Discrimination.
25 Introduction, Section 2, UN Guiding Principles on Internal Displacement.
26 Principle 18, UN Guiding Principles on Internal Displacement.
27 Id, Principles 18 and 22.
28 Id, Principle 4.
29 Principle 14, United Nations Principles on Housing and Property Restitution for Refugee and Displaced Persons
(Pinheiro Principles).