Cleofe, 67 Ako si Cleofe, tatlo ang anak, may asawa. Ang malaking epekto sa akin ng pandemya ay ang pagpapatupad ng lockdown. Una, hindi ko na personal na makita ang asawa ko. May sampung buwan na noong huli ko siyang makita dahil may hearing kami. Gusto ko siyang mayakap, mahawakan ang kanyang mga kamay. Dahil wala ring dalaw, nawala ang nararamdaman kong excitement at saya tuwing linggo sa pagtanggap ko ng liham galing sa kanya, pati ang ginagawa niyang card o tula na nagbibigay ng encouragement at lakas sa akin. Dagdag pa sa pagtanggap ko ng liham galing sa kanya, nalalaman ko ang kalagayan ng kanyang kalusugan. Marami siyang sakit at noong wala pang lockdown, pinapalabas siya sa kulungan para magpatsekup. Ang pangalawang epekto ay hindi na ako nadadalaw ng aming mga anak. Binigyan kami ng oportunidad na makausap/makita ang aming anak sa pagtawag sa cellphone o sa Facebook, kaya lang five minutes lang ang pinapahintulot. Dahil dalawang anak ang tinatawagan ko, ngayon bawat anak ay nakakausap ko nang isang beses lang sa isang linggo sa loob ng five minutes. Hindi ako kontento sa maiksing oras para sa pag-uusap. Ang ikatlong epekto ay hindi na nakakadalaw ang mga kaibigan para mag-update ng kalagayan ng bansa at buong mundo. Makapanood man kami ng balita sa TV tuwing 6:30 ng gabi hanggang pasado 8 pm, napakalimitado naman ng laman ng binabalita. Wala ring newspaper na mababasa. Ang hiling ko sa gobyerno, ibigay sa mga bilanggo ang para sa mga bilanggo. Para sa mga political prisoners, palayain na sila dahil ang mga kasong ipinataw ay trumped-up charges lang. Ako mismo ay kinasuhan ng illegal possession of fireams and explosives na puro planted. Hiling ko rin na ibalik ang GCTA para maraming bilanggo ang makalaya. At ang huling hiling para sa mga bilanggo, na more than 90% ay mahirap at marami ang walang dalaw, ay bigyan sila ng gobyerno ng monthly aid and toiletries. Sa araw-araw: Gigising, exercise ng yoga, tai chi, stretching at walking, patuloy ang pag-exercise o pagtrabaho sa vegetable garden, almusal, headcount, paligo, TC morning meeting, pagbasa ng libro o panonood ng TV o pagtrabaho sa vegetable garden, pananghalian, headcount, siesta time, pagbasa ng libro, pagdating ng 3:30 pm ay magtatrabaho ulit sa vegetable garden, headcount, pagtrabaho sa garden hanggang 5:30 pm, paligo, panonood ng balita sa TV, hapunan, headcount, panonood ng balita sa TV hanggang pasado 8 pm, pagtulog. Sa inilahad na mga aktibidad, 76

Select target paragraph3