Cora, 38 Ako si Cora, taga-Maynila, dalawa ang anak, may asawa. 5:30 am ang wake-up call, magzu-Zumba per schedule ng dorm. May nakatalagang cleaners para maglinis ng brigada. Minsan, nagzu-Zumba ako kapag nasa mood. Nagpapa-volunteer ako sa paglilinis. Binibigyan ko na lamang sila ng bayad sa volunteer. Unang fall-in, bilangan (attendance checking), pagkatapos nito ay bigayan na ng rancho (food distribution). Usually ang almusal ay champorado, plain lugaw, at sopas sa araw-araw. Isa hanggang dalawang sandok ang bigayan. Kumukuha ako ng almusal, pagkatapos ay oras na ng paligo ko. Itinataon ko na maligo ng umaga para kaunti lang ang tao. Iyung iba ay natutulog ulit, nagsasagawa ng isang oras na TC, may concept at verse of the day. Sharing of thoughts and reflections, nagpapahinga ulit. Minsan nagbabasa, ang iba nagbabalagbag (ito ang mga nakapwesto sa sahig o ang mga walang bed ay pumipila para kumuha ng tubig na panligo). Meron akong tagakuha ng tubig. Binubuksan ang TV para sa oras ng panonood. At 10:30 am, bigayan na ulit ng rancho pangtanghalian, oras ng pagkain ng tanghalian. Bigayan ng tubig inumin (one liter). Fall-in ulit. Pagkatapos nito ay siesta time o personal time. Nanonood ng TV, natutulog ako ng mga 30 minutes to one hour. Bigayan ulit ng rancho para sa gabi, bigayan ulit ng inumin. Pagkatapos nito ay nagzu-Zumba ang dorm o nakikinig ng tugtog, nagdadasal ng novena at rosary ang buong dorm namin, tapos ay fall-in. Kumakain na ako ng dinner, kasama ang mga kasalo ko. Nanonood ng balita, personal time, nakikipagkwentuhan. Last fall-in, tapos ay oras na ng tulog. May gising na mahinarya. Sila ang nagbabantay tuwing 11 pm to 2 am at 2 am to 5 am. Sa usapin ng gender and sensitivity, isang factor ang maliit na espasyo ng dorm. Noong simula ng lockdown ay umabot kami ng 120 katao sa isang kuwarto. Bawal munang lumabas. Kaya buong maghapon nasa dorm lang ang ikot ng oras namin. Summer season iyon kaya sobrang init. Sunodsunod ang pagkakasakit at lagnat. Nagkaroon ng bungang araw ang marami, nagkaroon ng kakulangan sa tubig. Apat na tabo ang bigayan para sa pampaligo at paglalaba. Ang iba ay nagkakasakit ng UTI (urinary track infection). Krisis din ang pagbili ng toiletries. Kanya-kanyang diskarte na lang ng sabon at napkin. Although may mga service provider na nagbibigay, pero limited. Ang isang challenge din ay kung paano mawala ang init ng ulo at buryong dahil limited din ang productivity ng mga kababaihan. 70

Select target paragraph3