PDLs. Ito na lang ang puhunan ko at maiaambag sa lipunan. Dagdag pa pala, dahil sa kawalan ng dalaw, matagal na kaming walang natatanggap na updates tungkol sa political situation. Mahirap mag-rely sa TV news lang. Sa araw-araw: Wake-up call, breakfast, headcount, TC morning meeting, reading/TV viewing, bathing, insulin injection, lunch, headcount, nap/ reading, headcount, reading, headcount, supper, headcount, sleep time. Isa akong manunulat na hindi makapagsulat dahil wala akong sariling ballpen, nanghihiram lang ako tuwing kailangan (at sadya kong dinadalangan ang mga pagkakataong ito dahil sa mga sirkunstansyang kinapapalooban ko). Ang ballpen ay itinuturing na kontrabando dahil pwede raw itong ma-weaponize. Totoo rin naman ito pero nagbebenta ng ballpen sa coop ng jail. Ang Panda ballpen ay may halagang P6 sa laya pero P35 rito tapos dahil kontrabando nga ito, kukumpiskahin tuwing may search. I refuse to be a part of this farce, kaya isa akong manunulat na walang pag-aaring ballpen. 65

Select target paragraph3