Anjo, 33 Ako si Anjo, may asawa. Nandito ako ngayon sa MCJ-FD. Ang mga naranasan ko dito ay kakaiba. May mga oras na nakakapanghina ng pisikal at mental na pangangatawan. Pero sa tulong ng mga empleyado ng BJMP, natutugunan nila ang aming mga pangangailangan, lalo na noong sinabi na wala na munang dalaw. Pero nakakalungkot na nangyayari sa amin ito. Nakaka-torture emotionally dahil nararamdaman ko nang literal ang salitang pangungulungan. Pero hindi ako nagpapadaig sa sitwasyon, bagkus ginagamit ko itong paraan para mas mapalapit sa Panginoong Diyos. Kahit ganito ang aming pinagdaraanan, nararamdaman ko ang presensiya ng Diyos sa buhay ko na nagiging dahilan para ako ay maging mas matatag at makapagbahagi din sa aking mga kasama. Oras pa po ng aming pagtulog, kahimbingan pa lang ng aming pagtulog, naghahanda na kami para sa unang bilang sa brigada. Wake-up call sa buong jail, morning exercise, fall-in at bilangan na. Pagkatapos, magaalmusal na, simula na ng TC sa buong jail (per dorm) or morning meeting. Babalik saglit sa pagtulog, magla-lunch, then puwesto na for second counting. After counting, inaayos ang mga dapat ayusin, tamang nood ng TV at paghihintay ng slot para sa tawag ng pamilya. Magbabasa muna ng Bible for my daily routine, basa ulit ng other books. Sa e-dalaw ay nakakausap ko ang family ko, na nakakapagpagaan sa loob ko. Makikipagkwentuhan ako sa mga kalapit na ka-dorm. Kung mga may sense silang kausap, sharing kami ng thoughts and dreams. Dinner time, fall-in ulit, watching TV, mga teleserye. Maliligo at maglalaba, puwesto na ulit for the last fall-in of the day. Magbabasa ng Bible and other books, mga books na makakatulong sa akin for positive thinking. Mananalangin na bago matulog. 58

Select target paragraph3