Flor
Ako si Flor, taga-Quezon City, anim ang anak at solo parent. Napakalaki
po ng naging epekto sa akin ng pandemyang ito na tinatawag na Covid-19.
Unang-una, naantala ang aking pagbiyahe sa CIW na kung saan dapat ay
natapos na ang aking hatol dahil doon ay mabilis ang proseso ng appeal.
Pangalawa, nahinto ang dalaw kung saan doon lang namin nakakausap at
nayayakap ang aming mga mahal sa buhay lalo na ang aking mga anak.
Nagtitiis na lang po kami sa pamamagitan ng e-dalaw upang sila ay makita,
makausap at makumusta.
Sa araw-araw: Tulog, wake up-call, do exercise/stretching/Zumba, do task,
counting by dorm, TC morning meeting, TV viewing, lunch time, siesta time,
cleaning, playing games, headcount, rosary time, dinner time, prepare for
sleep, TV viewing, sleeping time.
As a PDL, napakahirap po dahil unang-una, nangungulila po ako sa aking
pamilya, higit sa aking mga anak at apo! Subalit patuloy po akong lumalaban
at nananalangin, umaasa sa pagpapalang ipagkakaloob ng ating Diyos
na muli po akong makauwi at makapiling ko ang aking mga mahal na
anak, magagandang mga apo at matatalinong mga bata. Sobra ko pong
pinagsisisihan ito!
52