Meriam, 36 Ako si Meriam, dalawa ang anak, may asawa. Sadyang naapektuhan po ako ng Covid-19 lalo at nandito po ako sa piitan. Unang-una, wala pong dalaw; hindi ko po nakikita ang aking mga anak at pamilya. Pangalawa, naging mabagal ang proseso ng korte. Nakakatanggap din kami ng ayuda ng gobyerno ngunit hindi ito sapat, inaasahan po namin lalo at nandito kami sa loob na sana maresolba na ng gobyerno ang pandemyang ito na nagpapahirap sa amin dito sa loob lalo na sa aming mga pamilya sa labas. Para sa akin, isa lang itong pagsubok na hindi dapat sukuan. Dasal, tiwala at lakas ng loob lang ang kailangan nating lahat. Sa araw-araw: Wake-up call, breakfast, bilangan, watching TV, lunch, bilangan, tulog, ligo, nood ng TV, rosary, kakain, nood ng TV, tulog. 50

Select target paragraph3