Arlene, 31 Ako si Arlene, single. Apektado po ako ng Covid-19 dahil simula pa noong March 2020 ay naka-lockdown na ang jail namin hanggang ngayon. Natigil ang lahat ng pasok ng dalaw at padala para sa mga bilanggo. At noong nagkaroon ng paabot at padala at tawag ay limitado lang din po. Nahinto din ang mga hearing sa korte na lalong nagpatagal sa akin dito. May mga ayudang “biyaya” kung tawagin dito na dumating ngunit mas priority ang mga senior citizens at ang mga wala talagang mga dalaw at padala, kaya minsan nakakatanggap, minsan hindi. Inaasahan ko sa gobyerno na kahit may pandemya ay tuloy-tuloy pa rin dapat ang mga online hearing sa courts at palayain na po ang political prisoners. Maglaan ng sapat na pondo para sa kalusugan at gawing libre ang mass testing (swab). Nililibang ko po ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro sa library, pagsali sa sports activities dito, minsang panonood ng TV at pelikula, at pagsali sa mga seminar na ibinibigay ng BJMP personnel. Every day schedule: Sleep time, wake-up call, dorm chores, headcount, TC morning meeting, reading/TV viewing, lunch, siesta, sports activities (Tuesdays-Thursdays), Zumba, headcount, rosary, supper, headcount, TV viewing, sleep time, bathing. 49

Select target paragraph3