Felicidad, 42 Ako si Felicidad, may dalawang anak, isang solo parent. Ang epekto sa akin ng Covid-19, hindi na ako nadadalaw ng aking anak at nanay. Ibinibigay sa akin ang regular na ibinibigay sa PDL na pagkain, maliban doon ay wala na po. Wala pong natatangap na ayuda galing sa gobyerno ang aking nanay at anak. Ang nanay ko ay 78 years old na po at 17 years old naman po ang aking anak. Sana mabigyan ng ayuda ang mga nararapat mabigyan tulad ng aking nanay na sobrang matanda na, at ang aking anak na minor. Bilang nanay, nag-aalala ako na di ko nasusubaybayan ang aking mga anak sa ganitong krisis na nangyayari. Nagsisimula ang bawat araw sa prayer, preparing for work (hilamos or ligo, kain), tapos maghahakot na ng gamit ng amo ko. After ng breakfast, start na ng work. Working hours, tapos pahinga/silencio time, working hours, working hours. Tapos maliligo, magdi-dinner, TV viewing, at the same time I make items like bags or Christmas decors out of beads. Then sleeping time na. Sa isang tulad kong nanay na PDL na almost 12 years nang nakapiit, sobra po akong nananabik sa aking nanay at sa aking mga anak na di ko man lang naalagaan. Humihingi po ako ng tulong sa inyo na mapawalang-sala ako dahil hindi po ako nag-commit ng crime na ibinibintang nila sa akin. Hindi po ako pumatay ng tao kahit kailan. Nagsusumamo po ako sa inyo. Maraming salamat po. God bless po. 44

Select target paragraph3