| : UMANRIGHTS ADVISORY CHR-A2014-001 VIAKA-KARAPATANG PANTAONG ~PAMANTAYANSA PABAHAY, LUPAIN, AT ARI-ARIAN SA POPULASYON NA APEKTADO NG BAGYONG YOLANDA Kinikilala ang isyu ng proteksyon para mga populasyong apektado ng Bagyong Yolanda (Haiyan) na humaharap ngayon sa karapatan sa pabahay,lupain at ari-arian, ay kailangang palakasin ang kapasidad at magkaroon ng isang epektibong pamamaraan ang ating Pamahalaanat iba pa nitong sangay na maglaan ang isang maka-karapatang pananaw para sa pansamantala at permanenteng relokasyon ng mga taong napilitang lumikas; Pagtibayin ang kapangyarihan at tungkulin ng Komisyon sa Karapatang Pantao ng Pilipinas (CHRP) sa ilalim ng Artikulo XIII, Seksyon 18 (7) ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas upang masubaybayan ang pagsunod ng Pamahalaan sa internasyonal na mga obligasyon sa ilalim ng kasunduan sa mga karapatang pantao at, sa prosesonito, upang tiyakin ang pakaka-isa ng lokal na mgabatas, patakaran at regulasyon ayon sa mga internasyunal na kaugalian sa karapatang pantao, mga pamantayan at mga simulain; Pagbibigay-diin na ang 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas ay nagbibigay ng mga sumusunod: ang Estado ay pinahahalagahan ang karangalan ng bawattao at tinitiyak ang buong paggalang sa mga karapatangpantao’; proteksyon ng mgaari-arian at pagtataguyod ng pangkalahatang kabutihan, kabilang rito ang mga bagay para sa pangkasiyahannglahat ng mgatao ayon sa demokrasya’; walangsinongtao angdapat pagkaitan ng buhay, kalayaan 0 ari-arian nang walang angkopna prosesong batas*; ang Estado ay dapat mangasiwapara Sa pag-tanggap, pagmamay-ari, paggamit at pag-sasayos ng mgaari-arian na nagbibigay Sa Kongreso ng may pinakamataas naprioridad sa paggawa ng batas at mga panukala na protektahan at pagbutihin ang karapatan nglahat sa karangalan ng bawat tao, bawasan ang hindi pagkakapantay-pantayatalisin ang pagkakaiba-iba ng kultura‘; sa lungsod man sa malayong lugar na may mahihirap na naninirahan na hindi dapat paalisin at ilipat maliban kungito ay alinsunodsa batas at may sapat na konsultasyon’; at ang Estado ay dapatna maprotektahan ang mga karapatan ng mga komunidad ng mga katutubo at mga minana nilang lupain upang matiyak ang kanilang pang-ekonomiya,panlipunanat pangkalinangan na pamumuhay® Pagbibigay-diin muli, para sa pagsunod sa mgainternasyonal na kasunduanat mandato ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas, ang Gubyerno ang nagpasa ng mgabatas, kabilang ang Climate Change Act of 2009 at ang Philippine Disaster Risk Reduction Act of 2010 na may layuning protektahan ang mga karapatan sa pabahay,lupain atari-arian | Article Il, Section 11, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines. 2 Article Il, Section 5, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines 3 Article II, Section 1, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines. 4 Article XIII, Section 1, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines. 5 Article XIII, Section 10, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines. 6 Article XII, Section 5, 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.

اختر الفقرة المستهدفة3